Wednesday, February 3, 2010

indelible stink?







Tanong ng mga paslit na gusgusin pero mukhang masaya at punong puno pa rin ng pag-asa.. Nakaligo ka na ba sa kumukulong lava? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kubeta? hehe jok lang! aminin mo man o hindi pamilyar na pamilyar sa yo ang mga linyang ito at marahil memorize mo na ang liriko.. In fairness catchy ang melody haSino kaya nag compose? lito kamo? veni saturno? o si josh groban? Maari natin siguro syang gawaran o di kayay i-nominate man lang sa Grammy dahil sa kanyang obra. Wat yu tink?

Pinilt kong arukin ang mensahe ng nasabing awit at ito ang lumabas sa aking munting kukote;

Subukan nating himayin ang kanta...

NAKALIGO KA NA BA SA DAGAT NG BASURA ? NAG PASKO KA NA BA SA GITNA NG KALSADA? animo'y nagyayabang sa mga karanasang dinanas pero ang katotohanan ay walang kasing lupit at pait ang sinapit *(di ko sinadya yung rhyme)
YAN ANG TANONG NAMIN,
TUNAY KA BANG ISA SA AMIN? at para bang nagdududa kung nabibilang ka nga bang talaga sa kanila.
NALAMAN MO NA BANG MAPAPAGARAL KA NIYA? TUTULUNGAN TAYO PARA MAGKATRABAHO. AT ANG KANYANG PLANO'Y MAGKA BAHAY TAYO. eto na ang parte na ating pinakahihintay, ang matagal na nating minimithi.. napakasarap pakinggan ng mga ito; makatuntong sa iskwelahan, magkaroon ng disenteng trabaho, at papalaring mabigyan ng bahay na matitirhan.. mga pangakong matamis, puro langaw at ipis! ULUL! NARINIG KO NA TO
SI VILLAR ANG TUNAY NA MAHIRAP, SI VILLAR ANG TUNAY NA MAY MALASAKIT. SI VILLAR ANG MAY KAKAYAHAN, AT GUMAWA NG SARILING PANGNGALAN. SI MANNY VILLAR ANG MAGTATAPOS NG ATING KAHIRAPAN. SOME ITEMS MISSING.. BLOG UNDER CONSTRUCTION!

No comments:

Post a Comment